Pandiwa
Pandiwa - Kahulugan, Uri, Aspekto at mga Halimbawa ng Pandiwa (Verb).

Kahulugan, Uri, Aspekto at mga Halimbawa ng Pandiwa (Verb).

Ano ang Pandiwa?

Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles.

Uri ng Pandiwa

  1. Katawanin – Ang pandiwa ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag sa ganang sarili.

    Mga Halimbawa:
    Nagpunta ang mga kabataan sa tahanan ni Mang Kanor.
    – Ang mga magulang ay Natuwa sa magandang alok ng Guro.

  2. Palipat – Ang pandiwa ay hindi ganap o buo at nangangailangan ng tagatanggap ng kilos na tinatawag na tuwirang layon.

    Mga Halimbawa:
    Nagsabit ng karatula sa harap ng kanyang bahay si Mang Kanor.
    Bumili ng instrumentong pangmusika ang mga kabataan.

Mga Aspekto ng Pandiwa

  1. Perpektibo o Naganap – Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.

    Halimbawa:
    Nagdeposito ng pera sa bangko si Mang Kanor.

  2. Imperpektibo o Nagaganap – Ito ay ang pagkilos na kasalukuyang ginagawa.

    Halimbawa:
    – Ako ay nagugutom, gusto ko ng turks.

  3. Kontemplatibo o Magaganap – Ito ay ang pagkilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang.

    Halimbawa:
    Magluluto siya ng masarap na sinigang.

  4. Pekpektibong Katatapos o Kagaganap – Ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa.

    Halimbawa:
    Kagagaling niya lamang sa probinsya kaya kailangan niyang magpahinga mula sa mahabang biyahe.

Basahin: Wastong Paggamit ng Bantas

Salitang Kilos Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
TakboTumakboTumatakboTatakbo
AwitUmawitUmaawitAawitin
BasaBinasaBinabasaBabasahin
KilosKumilosKumikilosKikilos
TanggapNatanggapNatatanggapMatatanggap
SagotSumagotSumasagotSasagot

Mga Halimbawa ng Pandiwa

  1. Ipinangtimpla ng kape ang kutsara.
  2. Tumakbo ng mabilis ang bata.
  3. Nagluto ng masarap na ulam si nanay.
  4. Sumulat ako ng isang magandang tula.
  5. Gumawa si ate ng isang magandang kwento.
  6. Inihagis ni Luis ang bola sa akin.
  7. Ang basahan ay Ipinamunas ni nanay sa mesa.
  8. Ipinanghuhukay ni kuya ang pala.
  9. Ang bolpen ang Ipinansulat niya sa pader.
  10. Isinama ni ate ang bata.

Mga pandiwang walang-banghay
Ang pandiwang walang banghay ay hindi nagbabago kahit saan mang aspeto.

Ay
Ito ay tagatulong ng pandiwa at nagdurugtong sa simuno at panaguri.

Halimbawa:
Ang aso ay natutulog sa bakuran.


May
Ito ay sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pang-abay, pandiwa, panghalip panao at pantukoy na mga.

Halimbawa:
May mga bagong tauhan si Ian Patrick.

Silipin din: Balarila


Mayroon
Ito ay sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo.

Halimbawa:
Mayroon kaming luma at sira-sirang tindang damit.

Hala
Ito ay ginagamit kung ang diwang pinapahayag ay nakikiusap o nagbababala.

Halimbawa:
Hala ka, huli ka na.
Hala, mauna na kayo.

Basahin din: Pang-uri
Panitikang ng Pilipinas