Ramon Obusan

Si Ramon Obusan ay isang Pilipinong mananayaw, koreograpo, nagdidisenyo ng entablado at direktor ng sining. Isa rin siyang archivist at mananaliksik.

Ipinanganak siya noong ika-16 ng Hunyo taong 1938 sa bayan ng Legaspi, Albay. Nakapag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas at nagtapos sa kursong marine biology at cultural anthropology.

Bilang isang mananaliksik, malawakan at malalimang sinaliksik at itinala ni Ramon Obusan ang mga katutubong kultura ng mga etnikong pangkat sa Pilipinas.

Basahin: Mariano Ponce

Nilakbay niya ang buong Pilipinas upang mabatid, maunawaan, at pag-aralan hindi lamang ang kanilang mga ritwal at kaugalian, awit, musika at sayaw, kundi pati na rin ang buhay ng mga taong nagsasagawa ng mga ito.

Sinikap ni Ramon Obusan na maging higit na makatotohanan ang mga pagtatanghal ng katutubong sayaw sa pamamagitan ng paggamit ng mga tunay na kasuotan, awtentikong musika at aktuwal na mga galaw sa entablado o kahit saan mang espasyo upang magtanghal.

Bilang koreograpo, gumawa siya ng koreograpiya at nagdirihe ng mahigit sa 100 na produksiyon sa telebisyon, pista ng sining, pelikula, parada, at paligsahan.

Silipin din: Masskara Festival

Noong 1971, itinatag niya ang Ramon Obusan Folkloric Group na lumahok at nagwagi sa maraming internasyonal na pagtatanghal at paligsahan.

Ang pinakanatatangi niyang likha ay ang mga ganap na pagtatanghal tulad ng Kayaw noong 1968—ito ay isang makatotohanang paglalarawan sa mga ritwal ng mga tribu sa Kordilyera sa pamamagitan ng sayaw at musika.

Dahil sa pagsisikap niyang mapaunlad ang sining sa pagsasayaw, ipinagkaloob kay Ramon Obusan ang Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw noong 2006. Tingnan din ang mga popular na akda ni Obusan:

VamosA Blen! SeriesPhilippine Dances Tradition (1998-2004)
Noon Po sa AminPaglalarawan ng Kasaysayan ng Pilipinas sa kanta, dula at sayaw.
Ang Obra MaestraKoleksiyon ng mga popular na sayaw na likha niya.

Basahin din: Tinikling
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...