Ramon Valera
ADVERTISEMENT

Si Ramon Valera ay isang Pilipinong disenyador ng mga terno na karaniwang sinusuot ng mga kababaihan. Kilala rin siya bilang Dekano ng Moda sa Pilipinas.

Isinilang siya noong ika-31 ng Agosto taong 1912 sa isang nakaririwasang pamilya. Nakapag-aral siya sa De la Salle University at Far Eastern University. Siya ay anak ni Melecio Valera—na isang tubong abra na kasosyo ng milyonaryong negosyanteng si Vicente Madrigal, at inang na si Pilar Oswald—na unang nakapansin sa likas na talino ng kaniyang anak.

Ang sining sa pagdidisenyo ay ang itinuturing na ambag sa mga pambansang simbolo tulad ng kaniyang likhang terno.

Basahin: Magdalena Gamayo

Ang paggawa ng kasuotan ay iniangat ni Ramon Valera sa antas ng sining na nagbigay inspirasyon sa ilang henerasyon ng manlilikha at nag-ambag sa pagkakaroon ng natatanging disenyo at moda ng mga Pilipino.

Noong 1940, lumikha ng pagbabago si Ramon Valera sa baro’t saya—ang kinikilalang pambansang kasuotan ng mga Pilipina.

Ang nakasanayang apat na pirasong kasuotan na binubuo ng baro, saya o tapis, naguwas, at panuwelo o alampay ay kaniyang pinag-isa. Itinampok niya ang manggas at pinahapit ang baywang, tinanggal din niya ang kalawit sa likod at pinalitan ng zipper upang isara ang kasuotan.

Silipin din: Barong Tagalog

Isinantabi rin niya ang mahabang alampay na dati ay nakasampay sa balikat at nakatakip sa dibdib. Para sa karamihan, ito ay mapangahas ngunit dahil sa kabiyak ng mga prominenteng politikong tumatangkilik nito, gaya ni Gng. Claro M. Recto at Gng. Primitivo Lovina, ay naging bukas ang bansa sa makabagong estilo ng ternong ito.

Sa pagsisikap magawan ng mga magagarang disenyo ang mga taong tumatangkilik nito, ginawaran at kinilala si Ramon Valera bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Disenyong Pangmoda noong 2006.

Basahin din: Salinta Monon
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...