Rolando Tinio
ADVERTISEMENT

Si Rolando Tinio ay isang mahusay na Pilipinong Direktor sa entablado, makata, manunulat ng sanaysay, tagasalin, kritiko, guro, at aktor.

Ipinganak siya noong ika-5 ng Marso taong 1937 sa Gagalangin, Tondo, Maynila. Nakapag-aral at nagtapos siya sa Lakandula Elementary School at Letran High School.

Ipinagpatuloy ni Rolando Tinio ang kaniyang pag-aaral ng dalawang taon sa Letran College ng kursong pre-law ngunit lumipat siya sa Universidad ng Santo Tomas sa Pilipinas.

Basahin: Bienvenido Lumbera

Sa huli, siya ay nagtapos ng Pilosopiya at nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral sa State University of Iowa ng Master sa Fine Arts, malikhaing pagsusulat, at karagdagang kurso sa teatro sa Bristol University noong 1968.

Bilang isang direktor sa teatro, pinayaman ni Rolando Tinio ang estetika ng dulaan sa pagpapasiglang muli sa mga tradisyonal na anyong pandulaan gaya ng sarsuwela, gayundin sa pagpapakilala sa kanluraning teatro sa pamamagitan ng kaniyang pagsaaslin ng mga klasikong dula na pinamagatang Griego, Shakespeare, at iba pang modernong dula.

Silipin din: Bodabil

Kabilang sa mga ito ay ang Kiri na isinalin niya noong 1974, Pangarap sa Isang Gabi ng Gitnang Tag-Araw noong 1980, Sopranong Kalbo noong 1987, at marami pang iba.

Gayunpaman, sumulat din si Rolando Tinio ng kaniyang sariling dula gaya ng May Katwiran ang Katwiran, at mga panunuring pampanitikan.

Sa kaniyang pag-nanais na mapaunlad ito, kinilala siya at ginawaran bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro at Panitikan noong 1997.

Basahin din: Ramon Obusan
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...