Sandiganbayan

Ang Sandiganbayan ay ang natatanging hukuman na naglilitis sa mga kriminal at sibil na kaso ng katiwalian na ginawa ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay nililitis din ang mga opisyal ng mga korporasyong pag-aari at pinamamahalaan ng gobyerno ng Pilipinas.

Itinatag ang Sandiganbayan noong ika-11 ng Hunyo taong 1978 sa bisa ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 1486 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Basahin: Panatang Makabayan

Matatagpuan ang gusali ng Sandiganbayan sa Gusaling Centennial, Abenida Commonwealth pgt. Daang Batasan, Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila.

Ngayon ay binubuo ito ng isang hukom at labing-apat na katuwang ng hukom. Nahahati ang Sandiganbayan sa limang dibisyon—bawat dibisyon ay binubuo ng tatlong huwes.

Ang unang tatlong dibisyon ng hukumang ito ay nakahimpil sa Maynila; ang ika-apat naman nitong dibisyon ay matatagpuan sa Lungsod ng Cebu; at sa Lungsod ng Cagayan de Oro naman sa Mindanao makikita ang himpilan ng ika-limang dibisyon.

Layunin ng Sandiganbayan na pangalagaan ang integridad ng mga pampublikong opisina. Pinapapanagot nito ang mga tiwaling opisyal at kawani na lumalabag sa batas laban sa korupsiyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Silipin din: Halalan

Noong ika-12 ng Pebrero taong 1979, nang magsimulang maglingkod ang Sandiganbayan ay mayroon lamang itong isang dibisyon na binubuo ng tatlong hukom.

Ang unang naging Punong Hukom nito ay si Kgg. Manual M. Pamaran kasama sina Kgg. Bernardo P. Fernandez at Kgg. Romeo M. Escareal bilang mga katuwang na hukom.

Batay sa bagong batas, ang espesyal na hukuman ay lilitis lamang ng matataas na opisyal ng pamahalaan. Kaugnay nito ang pagdadagdag ng mga dibisyon at komposisyon ng buong hukuman upang mapagsilbihan ang Visayas at Mindanao.

Basahin din: COMELEC
Kasaysayan ng Pilipinas