Siomai

Ang siomai ay isa sa mga pagkain ng mga Intsik na kinahiligan at nakaugalian na nating mga Pilipino na kainin. Patok ito sa panlasa nating mga Pilipino.

Mabenta ang produktong ito at kadalasang binebenta sa mga pamilihan o malls, maging sa gilid ng kalsada ay mayroong maliliit na bangketa na makikita.

Pati na rin ang karamihan sa mga restawran ay isinasama ang siomai bilang isa sa pangunahin nilang putahe.

May mga iba’t-ibang uri ang siomai, ang pinakasikat at mabenta ay ang siomai na ang palaman ay baboy na sinundan naman ng manok, baka, at hipon. Ito ay karaniwang niluluto sa pamamagitan ng pagpapasingaw nito ngunit nakagawian na rin ngayon ang pagprito ng mga ito.

Basahin: Salad

Paano ito ginagawa at niluluto?

Narito ang mga sangkap:

1/2 kilokarne ng baboy
1/4 kilotinadtad na hipon
1 tasatinadtad na kabute/mushroom
1 tasatinadtad na sibuyas
1 tasatinadtad na carrots
1binating itlog
1 kutsaramantika ng linga
1 kutsarapaminta
1 kutsaraasin
20-30wonton wrappers

Proseso:

  1. Pagsama-samahin ang mga sangkap sa isang malaking mangkok maliban sa wonton wrappers. Haluin ng mabuti at siguraduhing malinis ang mga kamay.
  2. Maglagay ng 1 kutsara ng pinaghalong sangkap sa gitna ng wonton wrapper.
  3. Itaas ang bawat gilid ng wrapper papunta sa gitna.
  4. Iwanang nakabukas ang gitna upang makita ang laman.
  5. Ayusin ang wrapper upang maging pabilog ang hugis. Gawin ito sa mga natitira pang mga sangkap at wonton wrappers.
  6. Ilagay ang siomai sa steamer at takpan ng maigi.
  7. Hayaan itong sumingaw ng 6-8 minuto.
  8. Pangwakas, ilagay ito sa plato at samahan ng sawsawan gaya ng toyo.

Basahin din: Dinagyang Festival
Pambansang Sagisag ng Pilipinas