Sirena
ADVERTISEMENT

Sirena | Mitolohiyang Pilipino

Ang Sirena ay isang nilalang na pantubig na mayroong ulo at pantaas na bahagi ng katawan ng isang babaeng tao at buntot ng isang isda.

Lumilitaw ang mga ito sa alamat ng mga kalinangan sa buong sanlibutan, kabilang na rito ang malapit na Silangan, Europa, Asya at Aprika. Sireno ang lalaking katumbas ng mga sirena, isa ring pamilyar na katauhan sa alamat at heraldika.

Sinasabi na ang mga ito ay galit sa tao, dahil patuloy ang paghuli at pagsira ng mga ito sa yamang dagat na kanilang kinabibilangan.

Sa tuwing bilog ang buwan sila ay lumalabas upang maghanap ng manlalakbay o mangingisda sa dagat, inaakit nila ito sa pamamagitan ng kanilang tinig hanggang sa tuluyang mahulog sa patibong ng mga nilalang na ito.

Ayon sa ibang kwento tungkol dito, kapag sila ay umibig sa tao, ay ipagkakaloob niya dito ang lahat ng kanyang yaman. Ang luha ng sirena ay mahiwaga, kapag ikaw ay natuluan nito, ikaw ay mabibiyayaan ng buhay na walang hanggan.

Ang mga lalaking nakatakas mula sa mga sirena ay nawawala sa katinuan o di kaya’y nangamatay bago pa siya makapaglahad ng kaniyang karanasan kasama ang mga sirena.

Kung sila ay galit sa mga tao, ganoon din ang mga tao. Itinuturing nila itong salot sa karagatan. Kapag ang isang mangingisda ay walang huli, ibig sabihin nito ay pinarusahan siya nito. Ang mga kalamidad din sa karagatan ay ang pinaniniwalaang kagagawan ng mga makapangyarihang nilalang na ito.

Sa mabilis na paglipas ng panahon, napakaraming mitolohiya sa Pilipinas ang umusbong isa na riyan ang tikbalang.

Basahin din: Karunungang Bayan
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...