Tejeros Convention
ADVERTISEMENT

Ang Tejeros Convention o Kumbensiyong Tejeros ay ang pook kung saan naganap ang pagpupulong ng dalawang paksiyong manghihimagsik ng Himagsikang Pilipino.

Ang naturang paksiyon ng Katipunan na nagpulong dito ay ang tinatawag na Magdiwang na siyang pinamumunuan ni Mariano Alvarez—tiyuhin ni Andres Bonifacio, at ang Magdalo na pinamumunuan naman ni Baldomero Aguinaldo—pinsan ni Emilio Aguinaldo.

Nilalayon ng Tejeros Convention na bumuo ng mga plano at pagkilos upang palakasin ang depensa sa Cavite.

Basahin: Kilusang Propaganda

Matatagpuan ito sa isang baryo sa San Francisco de Malabon, Cavite. Gayunpaman, sa halip na talakayin ang nasabing dahilan ng pagpupulong, nagdesisyon ang mga lider ng Katipunan sa naturang probinsiya na magtatag ng bagong rebolusyonaryong gobyerno kapalit ng Katipunan at maghalal ng mga opisyal para dito.

Subalit tinutulan ni Bonifacio ang inisyatibong ito at ipinunto niya na mayroong konstitusyon at gobyernong na kasalukuyang umiiral—ito ay ang Katipunan.

Gayunpaman, nanaig ang kagustuhan ng mga Kabitenyong Magdalo. Bagama’t atubili, pinanguluhan ni Bonifacio ang eleksiyon sa garantiyang igagalang ng nakararami kung anuman ang maging resulta nito.

Narito ang pangalan ng mga nahalal at ang kanilang posisyon:

KandidatoPosisyon
Emilio AguinaldoPresidente
Mariano TriasBise-Presidente
Artemio RicarteKapitan-Heneral
Emiliano Riego de DiosDirektor ng Digma
Andres BonifacioDirektor ng Interyor

Silipin din: Kartilya ng Katipunan

Katulad ng pambabalewala sa orihinal na adyenda ng kumbensiyon, ang pagkakahalal kay Bonifacio ay inusisa ni Daniel Tirona at sinabing tanging may pinag-aralan lamang ang maaaring maging responsable sa nasabing posisyon.

Ang naging resulta ng pambabastos na ito, idineklara ni Bonifacio bilang tagapangulo ng pagpupulong at supremo ng Katipunan na walang bisa ang naganap na halalan.

Pagkaraan, itinuring na hadlang si Bonifacio sa bagong gobyernong rebolusyonaryo kaya ipinadakip siya bago makalabas ng Cavite. Nang siya ay madakip, agad siyang nilitis at hinatulan ng kamatayan.

Basahin din: Sandiganbayan
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...