Thumbelina
ADVERTISEMENT

Ang kwento ni Thumbelina ay nag simula noong unang panahon may isang babae na gustong gusto magkaroon ng isang maliit na anak.

Kaya naisipan nito na pumunta sa isang matandang mangkukulam at ng makaharap niya ito.

Babae : ” Gusto ko po sana magkaron ng munting maliit na anak, paki-usap maari mo po bang sabihin kung san ako makakahanap?”

Mangkukulam : ” Madali lang gawin yan, eto ang butil ng sebada para sayo, ilagay mo ito sa isang paso at makikita mo ang iyong hinahanap. “

Pag kauwi ng babae ay itinanim nya agad ang butil ng sebada, agad naman itong tumubo at naging isang malaking bulaklak, na talagang katulad ng isang Tulip ngunit ang mga talulop ay nakatiklop ng maigi.

ito ay para bang uusbong palang.

Babae : “napakagandang bulaklak naman nito.”

Hinalikan ng babae ang pula at magaganda nitong talulop, at pagkahalik niya rito ay bigla ito pumutok ng malakas at ito ay bumuka, sa gitna nito ay may nakaupong munting batang babae.

BASAHIN :Anekdota | Panitikan ng Pilipinas

Siya ay maganda at kaakit akit, ngunit siya ay napakandang bata at tinawag siyang Thumblina.

Isang maganda at pinakintab na walnut ang nagsilbing duyan niya, at ganoon siya matulog sa gabi.

Sa umaga naglalaro siya sa mesa, kung saan naglalagay ang babae ng plato at may corona ng mga bulaklak kung saan lumulutang ang isang talulop ng tulip, ginamit ni Thumbelina ang talulot bilang bangka, at gamit ang puting balahibo ng kabayo bilang sagwan.

Si Thumbelina ay magaling din kumanta, at ang kanyang tinig ay napakaganda at kaya-aya na narinig ng sino-man.

Isang gabi habang natutulog siya sa kanyang duyan. ay may isang nakakatakot na palaka ang tumalon sa bintana pababa sa mesa kung saan natutulog si Thumbelina.

Inang Palaka : ” sa tingin ko eto ang tamang perpektong asawa para sa anak ko. “

Kinuha ng palaka ang balat ng walnut kung saan natutulog si Thumbelina. At tumalon bitbit ito palabas ng bintana at sa hardin.

Ang anak niyang palaka ay mas malansa sa kanyang ina at mas nakakakilabot

Anak na Palaka : ” Kokaaaaaak! Kokaaak!”

Inang palaka : ” Wag ka magsalita ng malakas at baka magising mo siya, baka matakasan pa niya tayo, gawin mo tulungan mo nalang ako na ilagay siya sa isang malapad na dahon ng water lily doon sa batis.”

Dinala nga siya ng mag inang palaka sa isang water lily, kung saan iniwan si Thumbelina ng palaka.

Kinaumagahan pag gising ni Thumbelina at laking gulat niya kung nasaan siya, dahil nasa ibabaw siya ng water lily at nasa gitna siya ng isang batis at wala siyang paraan para makapunta ng pangpang.

Kaya umupo nalang siya sa dahon ng lily at umiyak ng umiyak, narinig naman siya ng mga isda at naawa ito sakanya kaya tinulungan siya nito, magkabilaang kinagat ng mga isda ang tangkay ng dahon na kinalalagyan niya.

Ayun na nga at inanod na ang dahon na kinalalagyan niya at sinubukan siyang habulin ng mag inang palaka kaso hindi nila ito maabutan. Ng araw din na iyon inanod si Thumbelina sa isang pampang malapit sa isang kakahuyan.

BASAHIN : Buod ng Florante at Laura

May isang napakalaking palayan, ngunit ang mga palay ay naani na. Ang natitira nalang ay mga tuyong balat ng palay nalang ang naiwan sa balat ng lupa. sa kanyang paglilibot ay may nakita siyang isang bahay ng daga na may maliit na butas ng dayami.

Ang bahay na ito ay mainit sa loob at may maayos na itsura, kung saan ito ay punong puno ng mga butil ng sebada.

Ang kawawang si Thumbelina ay nagbakasakali at kumatok na parang isang pulubi, pinagbuksan naman ito ng daga.

Thumbelina : ” Maari po ba akong humingi ng kakaunting sebada? sapagkat ako’y gutom na gutom na.”

Daga : ” Oh! kawawa ka naman kailangan mo pumasok sa aking mainit na silid at kumain. pero dapat panatiliin mo itong malinis, at kwentuhan ako sapagkat hilig ko ang mga iyon.”

Ginawa naman lahat ni Thumbelina ang gusto ng daga sa sakahan. at siya lubos na nasiyahan dito.

Isang araw lumapit ang daga sa sakahan kay Thumbelina.

Daga : ” Di magtatagal, magkakaron tayo ng bisita, isang beses sa isang linggo ay bumibista siya dito. tingin ko mas magiging mabuti ang lagay mo kung siya ang mapapangasawa mo.

Hindi nagustuhan ni Thumbelina ang mungkahi ng daga, sapagkat hindi ito sumagit sa utak niya dahil ang kanilang kapitbahay ay isang mole.

Dumating ang araw ng pagbisita ng Mole, agad naman nilang hinandaan ito at sila’y nagkwentuhan. nabanggit ng daga na ang kanilang kapitbahay ay ubod ng talino at higit na dalawampung beses ang laki sa bahay ni daga.

Pagkatapos ng kwentuhan ay kumanta si Thumbelina at hindi ito inaasahan ng mole, laking gulat niya ng marinig ang boses nito dahil ubod ng ganda. Kaya nahulog ang loob nito sa boses na taglay ni Thumbelina.

Kaya ang ginawa ng Mole ay umuwi sa kanila at naghukay ng lupa mula sa kanyang bahay patungo sa bahay ni Daga.

Mole : ” Maari ninyo gamitin ang lagusang ito patungo sa bahay ko, kahit kelan nyo man gusto, pero babala ko lang sainyo wag kayo matakot kung sakaling may makasalubong kayong patay na ibon.

Pagkatapos nun ay kumuha ang mole ng bulok nakahoy bilang maging sulo, sa kadiliman kumikislap ito na parang apoy, nauna siya sa kanila para ilawan ang dadaanan ni daga at Thumbelina.

At yun nga ay nasalubong nila ang patay na ibon. kaya inilagay ng mole ang kanyang ilong sa taas ng kisame at gumawa ng butas upang mapasukan ng liwanag.

BASAHIN : Barayti ng Wika | Panitikan ng Pilipinas

Sa gitna ng sahig nakahiga ang isang ibon, ang pakpak nito ay nakatiklop sa tagilirian niya. at ang ulo niya ay nakatago sa kanyang balahibo.

Nalungkot si Thumbelina sa nakita niya, at laking gulat nito ng sipain ng Mole ang nakahigang ibon at sabi.

Mole : ” Salamat sa Diyos at wala sa anak ko ang magiging ibon, anong sibi ng ganda ng paghuni nila kung mamamatay lang din sila pag tag-lamig.

Tumahimik lang si Thumbelina, kinagabihan hindi makatulog si Thumbelina kaya naisip niya na gumawa ng kobrekama na gawa sa tuyong dayami.

Dinala niya ito sa ibon upang maging proteksyon sa lamig at nagpaalam.

Thumbelina : paalam sayo munting magandang ibon, at salamat sa yong mga matamis na awitin ng tag init, ng mga puno ay luntian.

Pagkatapos ay nilagay niya ang ulo niya sa dibdib ng ibon. at nagulat siya ng may marinig siyang kabog ito ay yung puso ng ibon.

Siya ay hindi pa pala patay, at ngayon ng siya ay mainitan na, siya ay muling nabuhay.

Ibon : ” Salamat sayo magandang bata, Ako ay talagang nainittan, ngayong paparating na ang nalalapit na tag-lamig kailangan ko na lumipad sa malayo na malayo sa aking tawanan. “

Nagkwentuhan silang dalawa tungkol sa tahanan ni ibon at inalok sya ng ibon kung gusto niya sumama at agad naman itong pumayag at sumakay sa likod

Ng makaalis sila laking tuwa ni Thumbelina sapagkat nakita na niya ang himpapawid, ang layo ng nilipad nila upang makarating sa tinitirhan ni itbon, halos madaanan nila ang malawak na kagubatan.

Dumating na nga sila sa tirahan ni Ibon. at laking gulat niya sapagkat ang nasa baba ng punong iyon ay punong puno ng mga bulaklak.

Ibon : ” Andito na tayo sa aking tahanan, nakikita mo ba ang mga bulaklak sa baba? kung pipitas ka ng bulaklak dun ay makakapagkami ka ng mga ninanais mo.

Sumakay nga si Thumbelina sa likod ng ibon at lumipad ito pababa. ng oras din na iyon nagulat si Thumbelina ng makita niya ang isang malit na tao na may corona at pakpak.

BASAHIN : Mga Uri ng Tayutay at mga Halimbawa | Panitikan ng Pilipinas

Ito pala ang diwata ng bulaklak. nagulat din ang diwata sapagkat ito ang babaeng pinakamagandang nakita niya. tinanong niya rin ito kung pwede magpakasal sakanya.

Thumbelina : ” Oo pwede naman ako magpakasal sayo ngunit may kahilingan ako, sana makita ko ang aking ina upang magkasama tayong tatlo.”

Agad naman binigyan ng diwata si Thumbelina ng pakpak at inilagay ang corona sakanya, sabay pinuntahan nila ang Ina niya.

Nagpakasal na ang dalawa at nabuhay sila ng masaya bilang hari at reyna ng mga diwata, kasama ang Ina ni Thumbelina.

Naghahanap ka pa ba ng ibang Maikling kwento Maaring pindutin lamang ang link na ito

( mgabayani.ph )

ADVERTISEMENT
loading...