Tokneneng

Kung usapang Street Food, panigurado lahat naman tayo dito sa pinas alam ang Tokneneng, kung saan may malaki at maliit na tokneneng, dabest pa ito pag may masarap na sawsawan. merong sawsawan na maanghang na suka at meron din namang matamis at maanghang. Pero pano nga ba ginagawa ang tokneneng?

BASAHIN : Leche Flan | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Tinawag itong Tokneneng dahil sa Batute na Pinoy komiks noong taong 1978, at alam nyo rin ba ang tokneneng ay itinuturing na Tempura style na stree food sa pinas, ito ay niluluto ng nakalublob sa mainit na mantika. Kung hindi kayo pamilyar sa Tokneneng tinatawag din tong kwek-kwek ngunit di alam ng karamihan na ang kwek-kwek, ay iba sa Tokneneng

Ang Kwek-kwek itlog ng manok o pato ang laman, habang sa Tokneneng itlog ng Pugo.

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Tokneneng

Pangunahing Sangkap

1Dosena ng itlog ng Pugo
6Kutsarita ng Cornstarch
2Tasa ng All porpuse flour
1Kutsara ng Baking Powder
1Tasa ng tubig
1Kutsara ng Asin
1Kutsara ng Paminta
Mantika
Orange food coloring

Sawsawan

1⁄4 Tasa ng Suka
1Tasa ng Tubig
1Kutsarita ng Toyo
2Brown na Asukal
1Pirasong pulang sibuyas
1Pirasong siling labuyo ( pwede din chili pepper )

BASAHIN : Halo-Halo | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Tokneneng

Una : Pakuluan muna ang itlog ng pugo sa isang kaserola na puno ng tubig at hayaang kumulo ng 10 minuto at 15 minuto, wag takpan ang kaserola upang hindi magcrack ang mga shell nito.

Pangalawa : Hayaan muna lumamig at pagkatapos ay balatan ito, pagkatapos ay ihanda na ang tinatawag na balat nito, paghaluin ang harina, asin, paminta at tubig sa iisang bowl

Pangatlo : habang hinahalo siguraduhin na maging malapot ito, pagtapos nun pwede na sya haluan ng food coloring. Depende sa kulay ng balat ng tokneneng ang dami na pwede ilagay.

Pangapat : pagtapos gawin ang gagawing balat ng itlog pugo, magpainit na ng kawali at lagyan ng maraming mantika, sapagkat kailangan deep fry ang Tokneneng upang pantay itong maluto sa loob at labas.

Panglima : kapag mainit na ang mantika. isa-isa mong isasawsaw ang itlog pugo sa ginawa mong pangbalat rito at tsaka ilalagay sa kawali, iwasang maglagay ng napakarami upang maiwasang mag dikit dikit ito, kapag medyo malutong na ang balat pwede na ito iahon sa mantika at ilagay sa plato.

PangAnim : Pag okay na ang Tokneneng, kumuha lang ng isang maliit na mangkok at paghalu-haluin ang suka, toyo, sibuyas, sili ng maayos. haluin ito mabuti at dagdagan ng konting tubig depende sa panglasa.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.