Tula
ADVERTISEMENT

Ano ang Tula?

Ang tula o panulaan ay isang uri ng sining at kabilang sa panitikang Pilipino na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t-ibang anyo at estilo.

Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay, may tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.

Basahin: Mga Elemento ng Tula

Mga Uri ng Tula

Maikling Tula
Tanka – Ito ay nagmula sa bansang Hapon na binubuo lamang ng 31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na may sukat na 5-7-5-7-7.
Haiku – Ito rin ay nagmula sa bansang Hapon at binubuo ng tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5.

Tingnan: Mi Ultimo Adios

Tulang Liriko – Sa uring ito madalas itinatampok ng makata ang kaniyang sariling damdamin, ito rin ang itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Naririto ang ilang uri ng tulang ito:

  • Awit (Dalitsuyo)
  • Pastoral (Dalitbuki)
  • Oda (Dalitpuri)
  • Dalit o Himno (Dalitsamba)
  • Soneto (Dalitwari)
  • Elehiya (Dalitlumbay)

Tulang Pasalaysay – Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod. Naririto ang apat na uri ng tulang ito:

  • Epiko (Tulabuyani)
  • Tulasinta (Metrical Romance)
  • Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
  • Tulagunam (Ballad)

Silipin din: Mga Anyo ng Tula

Tulang Dula – Ito ay ang mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan. Naririto ang mga uri ng tulang dula:

  • Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)
  • Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
  • Tulang Dulang Katatawaanan (Dramatic Comedy)
  • Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
  • Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama)
  • Tulang Dulang Katawa-tawang Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy)
  • Tulang Dulang Pauroy (Farce)

Tulang Patnigan – Ito ay ang tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain. Dito rin nakilala ang tanyag na makata na tinaguriang Ama ng Balagtasan na si Francisco Balagtas. Naririto ang mga uri ng tulang patnigan:

Basahin din: Panitikan ng Pilipinas
Talumpati

ADVERTISEMENT
loading...