Violin
ADVERTISEMENT

Ang biyolin o violin sa wikang Ingles ay isang uri ng instrumentong pangmusikal na may apat na kuwerdas at pinapatunog sa pamamagitan ng isang bow o arko.

Ang violin ay ang may pinakamataas na tono sa kinabibilangan nitong pamilya ng instrumento tulad ng viola, cello, at double bass.

Biyolinista ang tawag sa tumutugtog ng ganitong uri ng instrumento, dalawa sa mga kilalang biyolinista sa Pilipinas ay sina Patricio Mariano na kilala rin bilang isang mandudula, manunulat, at rebolusyonaryo, sumunod ay si Oscar Yatco na isang konduktor at propesor ng musika.

Basahin: Agung

Gawa ang katawan ng violin sa iba’t-ibang uri ng kahoy, tulad ng drupe at maple. Gawa naman sa pinagsama-samang pinatuyong bituka ng hayop ang mga bagting nito at madalas ay may halong pilak o aluminyo, bakal, o perlon.

Ang gamit sa pagpapatunog nito ay gawa sa pakurbang kahoy na may nakatali sa magkabilang dulo na mga buhok ng kabayo—arko o bow kung tawagin.

Unang lumitaw ang violin sa Italya noong mga 1500. Pinaniniwalaang nagmula ito sa dalawang midyibal na instrumentong viele o fiedel at rebec—na pawang ginagamitan din ng arko sa pagpapatugtog, at sa lirada braccio—isang intrumentong kahalintulad ng violin na lumitaw sa panahon ng Renasimyento.

Dahil sa madalas na paggamit ng violin sa mga tanghalan tulad ng opera noong mga 1600, naging popular ito at naging isang pangunahing instrumento sa orkestra. Bago pa man sumapit ang siglong ito, mababa na ang estado ng biyolin dahil ginagamit lamang ito upang saliwan o sabayan ang isang sayaw o awit.

Basahin din: Mga Instrumentong Musikal sa Pilipinas
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...