Writ of Amparo
ADVERTISEMENT

Ang writ of amparo o recurso de amparo sa wikang Español ay nagsisilbing proteksiyon sa karapatan ng taong sang-ayon sa Saligang Batas ng isang bansa.

Sa bansang Pilipinas, ang writ of amparo ay kasulatang sumusuhay sa kawalang-bisa ng writ of habeas corpus—ang pangangailangang iharap sa korte o sa husgado ang isang taong inaresto.

Nililinaw na ang proteksiyong ibinibigay ng writ of amparo ay hindi sa lahat ng paglabag sa karapatang pantao na nasa saligang-batas, kundi pati na rin ang iyong mga may kinalaman sa karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng sapat na seguridad.

Basahin: Sandiganbayan

Kabilang din dito ang pananggalang laban sa hindi makatuwirang paghuli at pagsisiyasat, ang pagkakaroon ng pribadong komunikasyon at pakikipagtalastasan, ang kalayaang manirahan at maglakbay, ang karapatang magkaroon ng abogado sa panahon ng interogasyon, ang karapatan laban sa torture, pamumuwersa, pananakot, at iba pang paraan para paaminin ang isang taong nagkasala.

Noong ika-16 ng Hulyo taong 2007, kinilalang legal ng Punong Mahistradong Reynato S. Puno ang pagbubuo ng writ of amparo sa Pilipinas na ginanap sa makasaysayang Manila Hotel National Summit on Extrajudicial Killings and Forced Disappearances.

Binanggit umano ni Puno na hiniram lamang ito sa konsepto ng Mexico, na naglahok sa kanilang konstitusyon noon pang 1847, at kinilala ang writ of amparo bilang pananggalang ng dignidad ng tao.

Gayunpaman, naipasa ito bilang isang resolusyon ng Korte Suprema ng Pilipinas noong ika-25 ng Setyembre taong 2007 at naamyendahan noong ika-16 ng Oktubre taong 2007.

Basahin din: Batas Militar
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...